Araw ng mga Patay external image other0009.jpg


Isa sa mga talagang natatangi sa kulturang Pinoy, lalo na kung ihinahambing sa mga ibang bansang Katoliko, ay ang paraan ng pagdiwang ng Araw ng mga Patay. Dito lang sa aming bansa pinagsasama ng pagdiwang ng All Saints' Day at All Souls Day.

Sabi nila, nagsimula ang tradisyon ng Araw ng mga Patay (All Souls Day/All Saints' Day) noong ika-10 o ika-11 siglo, kung saan idineklara ng Simbahan na mayroon dalawang magkasunod na araw na madedeboto sa pagbibigay ng respeto sa mga patay, isa para sa mga santo, isa para sa mga iba.

Nangyayari ito tuwing ika-1 ng Nobyembre. Sa araw na ito, pumupunta ang mga pamilya sa mga sementeryo kung saan inilibing ang kanilang mga kapamilya o kaibigan. Kapag dumating na sila roon, inaalay nila ang mga bulaklak, kandila, dasal, at iba pa para magbigay ng respeto sa mga namatay at para makasama na sila sa Panginoon.

Natatangi ito sa mga Filipino dahil may tunay na respeto tayo sa mga namatay, at para sa atin, napakahalaga sa amin ang pag-aalala sa mga kapamilyang or kaibigang namatay.

Simbolo ito ng kulturang Pilipino dahil isa sa mga importanteng bahagi dito ay ang pagbibigay ng wastong respeto sa mga namatay. Noon, itinutuyo namin ang katawan nila at inilalagay sa isang palayok para magkaroon sila ng magandang paglalakbay sa susunod na buhay. Ngayon, inaalay namin ang pagkain, kandila, bulaklak, at dasal para sa kanila.

Sa panahon ng globalisasyon, parang nawawala na sa amin ang wastong paggalang sa mga patay. Kung noon ay mataimtim ang paggalang, ngayon, ginagawang okasyon na magpiyesta ito. Mayroong tao na nag-Kakaraoke lamang sa libingan. Noon, maayos ang pagpasok ng mga tao sa libingan, ngunit uso na ngayon ang barilan at awayan. Kahit na ganito, mahalaga pa ang paggalang sa mga patay dahil kung wala sila, hindi kami mabubuhay sa mundong ito. Sa ganitong panahon, importante rin na masanay sa mga bagong paraan ng paggalang sa mga patay, mula sa mga iba't-ibang bansa, lalo na ngayon na marami ang pumapasok na dayuhan tulad ng Koreano.


Sanggunian:


Mga Pagdiriwang sa Pilipinas, Retrieved July 7, 2010, from: http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/modules_in_Tagalog/mga_pagdiriwang_sa_pilipinas.htm

Macabuhay, D. (2001) Buhayin ang kahulugan ng araw ng mga patay, Retrieved July 7, 2010 from :http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=138714&publicationSubCategoryId=94

dela Trinidad, K. Retrieved July 7, 2010 from: http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Cynthia/festivals/all_saints_day.htm

Retrieved July 7, 2010 from: http://www.tourinaday.com/images/thumbs/other0009.jpg (larawan)