lechon.jpg

Lechon: Ang Paborito ng Mga Pilipino
Mahilig ka ba sa mga pagkaing Pilipino tulad ng halo-halo, sinigang, bulalo, bibingka, pancit, at adobo? Kung oo ang sagot mo, sigurado na alam mo na kung anong klaseng pagkain ang inilagay ko sa taas. Tama, iyan ang lechon. Itong wikispace na 'to ay tungkol sa lechon, at ang paglilitson.

Kasaysayan
Ang paglilitson ay nagsimula noon pa, bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Sa panahong iyon, ang baboy ay isa sa mga pinakamababang uri ng hayop at wala talagang silbi, kaya ito ang pinili ng mga Kastila sa paglilitson. Nang dumating sila rito, pinakilala nila ang paraan ng paglilitson sa mga Pilipino.

Deskripsyon
Ang lechon ay isang sikat na pagkain kung pinag-uusapan ang kultura ng Pilipinas. May maraming klaseng lechon sa buong Pilipinas tulad ng Lechon ng Cebu na di kailangan ng kahit anong sawsawan, at ang ordinaryong lechon na tinitinda rito sa Maynila (La Loma), pero iisa lamang ang proseso ng paghanda ng lechon. Una, kinukuha nila ang isang batang baboy o biik at pinapakain nila ito hanggang maging mataba. Pangalawa, pinapatay nila ang baboy na ito at tinatanggal ang mga intestines, puso, at iba pa. Pagkatapos, nilalagay nila ang mga garlic, sibuyas, lemongrass, asin, toyo at iba pa sa loob ng tiyan ng baboy para may lasa ang kakainin nila. Pagkatapos nito ay iniihaw nila ang baboy sa ibabaw ng mainit na charcoal, at naghihintay sila ng dalawang oras para maging "golden-brown" ang balat ng lechon. Sa wakas, magiging tapos na ang proseso ng paglilitson, at pwedeng kainin na ito.

'Pag kinakain kasama ang iba pang ulam, ang lechon ay ang pinakamalaki at pinakaimportanteng ulam sa lahat dahil medyo mahirap ang preparasyon nito. Subalit, lahat naman ay malulugod 'pag nasa ibabaw ng mesa ang pagkaing ito. Ang paboritong bahagi mula sa lechon ng mga tao ay ang balat dahil sobrang masarap, mamantika, at malutong ito.

Importante at parang kailangan ang lechon sa mga malalaking okasyon tulad ng pagdiriwang ng kaarawan, kasal, pyesta, binyagan, pagtatapos sa pag-aaral, picnic, Pasko, Bagong Taon, at iba pa. Pero, kapag may pera ka, pwede ka ring bumili ng lechon para sa tanghalian o hapunan.

Isa pang dahilan na kung bakit ang lahat ng mga Pilipino ay mahilig kumain ng lechon ay pagkatapos kainin ito, pwede pa itong gamiting sangkap para sa iba pang Pilipinong pagkain tulad ng paksiw na lechon.

Ang karaniwang sawsawan ay ginawa mula sa liver ng baboy.

Bakit katangi-tangi sa Pilipino?
Katangi-tangi ang lechon o paglilitson sa mga Pilipino dahil kahit na mula sa Espanya ang kaugaliang ito, kinuha nito ng mga Pilipino at ginawang bahagi ng kultura. Kahit saanman pumunta ka sa Pilipinas, ang lechon ay isa sa mga pinakaimportante at pinaka-"iconic" na pagkain dito sa Pilipinas. Ito'y tunay na simbolo ng Pilipinas, at kung tinanong mo ang mga ibang tao sa labas ng bayan kung ano ang pinakamasarap na pagkain dito, sasabihin nila: "Lechon." Sigurado ako rito.

Bakit kailangang maitampok o mabigyang-pansin bilang isang simbolo ng kulturang Pilipino?
Kailangang mabigyang-pansin ang paglilitson bilang isang simbolo ng kulturang Pilipino dahil ito ay ang pinakaimportanteng pagkain sa buong bayan. Bukod dito, ang kultura ng Pilipinas ay dahan-dahang namamatay na, kaya isa itong prayoridad na mabigyang-pansin ang mga simbolo ng Pilipinas, kasama rito ang lechon.

Kahit saanman ka pumunta, lahat ng tao ay may gusto sa lechon, at malaki ang demand nito, lalo na sa mga pagdiriwang tulad ng Pasko.

Ano ang silbi nito sa ating buhay mula noon hanggang sa kasalukuyan at panahon ng globalisasyon?
Ang silbi ng lechon sa ating buhay mula noon hanggang ngayon ay ito isang halimbawa ng kagandahan ng kulturang Pilipino. Parang ang lechon ay nagsisilbing "role model" para sa ibang mga bahagi ng kulturang Pilipino dahil kahit na ngayon ang panahon ng globalisasyon, ang lechon ay hindi "namamatay" sa ating mga isip dahil sikat ito, at dahil dito, sana hindi mamamatay rin ang pagiging Pinoy natin sa isip at sa puso.

Mga Trivia
- Ang lechon ay isang salitang Espanya. Ang ibig sabihin nito ay "suckling pig."
- Sa Balayan, Batangas, tuwing Hunyo 24, nagdidiriwang sila ng Parada ng mga Lechon, na kung saan inaalala nila ang Sto. Nino, at ang lechon ay ang "highlight" ng okasyon.
- May isa pang klaseng lechon sa Pilipinas, at ito ay ang lechon kawali. Ito ay pinakuluan muna bago prituhin.
- Bukod sa Espanya at Pilipinas, ang lechon ay niluluto rin sa iba pang mga bayan tulad ng China (乳猪 ru3 zhu2), Germany (Spanferkel), Latin America, at Indonesia (Babi guling o Spiced Roast Pig).

parada5.jpg
Parada ng Mga Lechon


lechon_kawali.jpg
Lechon Kawali


babiguling2.jpg
Babi Guling
P8190797.jpg
Spankerfel